Skip navigation

Category Archives: Literary

600SentimentsPreview
Minsan naiisip ko kung if Philippines is really a “free country”. E kung tingnan ako baga naman ng tao, parang gustong masunog na ang buong katawan ko at mawala na sa mundong ito. Siguradong di naman nila ako lalamunin dahil di nila type ang mga tulad ko. Pakiramdam ko tuloy wala na akong maipagmamalaki sa lahat. Ni hindi ko nga alam kung may karapatan ako …at kung may karapatan ang tulad ko na mabuhay dito sa mundo ….
Sino nga ba naman ako? Sa totoo lang, isa lang naman akong piraso ng DUHAT na nagpupumilit sumiksik sa mundo ng mga UBAS kung saan di naman ako kabilang. Alam ko nang di ako katulad nila, pero siyempre may personal reasons ako kung bakit andun para rin ako sa piling ng mga ubas. Well, sa akin na lang iyon. Pero minsan….madalas pala…naiiinis ako dahil ang GANDA-GANDA ko kaya di ko magawa ng tama ang aking MISYON. Pero sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang tunay na misyon ko dito. Ano nga ba ang naidudulot ng DUHAT sa lipunan? Mukha namang wala, eh. Ni hindi ko man lang naaaninag ang silbi ng mga katulad kong duhat, kahit man lang sa isang tindahan ng prutas (Ni hindi ko Makita ang iba kong kauri…o baka naman napapailalalim na sila ng ibang prutas dahil mas mabenta yung iba….
Kung di lang matiyaga ang amo ko…kung di lang niya kailangan ng pera para sa maysakit niyang asawa…kung di ko lang mahal ang amo ko at ang trabaho ko rito…matagal na sana akong umalis …Haay…minsan nawawalan na ako ng pag-asa, na ang isang katulad ko na duhat ay di man lang pagpipilian sa mga prutas na inihahain sa hapagkainan ng bawat pamilya. Kahit nga nagdaramdam ako eh kailangan kong maging matatag. Baka lalong di ako bilhin pag di ako nagtino. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil kahit papaano ay may nagtitiis pa sa isang duhat na katulad ko….
By: Duhat na mahilig maglakbay…ang isip